Volunteerism Letter

 Isang bukas na liham para sa mga kandidato sa pulitika

Bilang isang mamamayan, ginagawa kong mas mulat ang aking sarili sa lahat ng nangyayari sa aking bansa. Bilang mamamayan, ang gusto ko ay kung ano ang ikakabuti ng aking sarili, pamilya, at ng sambayanang Pilipino. Lagi kong ipapangarap at ipaglaban ang para sa kabutihan ng ating bansa, at dahil diyan, gusto ko ng lider na ang puso ay para talaga sa pagbigay ng serbisyo sa bansa.

Kasalukuyan kong pinag-aaralan ang bawat isa sa iyong mga plataporma at iniisip kung ano ang higit na kailangan ng ating bansa. Hindi ko pinahihintulutan ang toksiko na pangangampanya at naniniwala ako na lahat ng tumatakbo para sa isang partikular na posisyon sa pulitika ay may kanya-kanyang kakayahan. Habang papalapit ang halalan, gusto kong maging patas at mapayapa tayo. Nais kong lagi ninyong alalahanin (mga kandidato) ang dahilan kung bakit ninyo ginagawa ang lahat ng ito- para pagsilbihan ang sambayanang pilipino.

Gusto kong tandaan ninyo na narito kayo para pamunuan ang bansa at hindi magtanim ng sama ng loob sa ibang tao o gamitin ang iyong kapangyarihan para maghiganti. Ang ating bansa ay nangangailangan ng tulong at ang ating bansa ay nangangailangan ng pamumuno at kung hindi ninyo ito magawa, malaya kayong muling isaalang-alang ang iyong mga plano. Sa ngalan ng aking mga kapwa pilipino, umaasa ako na mailabas ang mensaheng ito na nais namin ng isang tao na ang puso't isipan ay nakatakdang tumulong at maglingkod sa bayan. Wala tayong panahon para sa mga politikong aspirante na tumatakbo lamang para magkaroon ng dakilang kapangyarihan. Umaasa kami na anuman ang iyong hangad at pangakong binitawan ninyo sa inyong pangangampanya'y iyong mapanindigan at maisakatuparan.

Comments